Friday, 11 October 2013

NAG- IISIP?


    NAG- IISIP?



       Minsa’y akoy napaisip,
Paano kaya kung wala akong isip?
     Siguro buhay ay Masaya,
     Siguro walang pag- alala.


        Sabi nila ang utak ay mahalaga,
                                        Pagkat ito’y may dalang hiwaga
                                         Kung ano raw ang nilalaman nito,
                                              Ang siyang ginagawa mo.
  

Paano kaya ano?
Ano kaya ang iniisip ng mga tao sa mundo?
Ano kaya ang laman ng kanilang utak?
Bakit kaya buhay ng iilan ay wasak?


Ano kaya ang iniisip ng may kapangyarihan sa lipunan?
Mamamayan at ang bayan?
Serbisyo at panunungkulan?
O, hindi kaya ‘y sariling kapakanan.

 

Ano kaya ang iniisip ng mga kabataan?
Pag- aaral, pagdarasal at pagtutulungan?
Pangarap para sa kaunlaran ng bawat isa?
Inumin, barkada at puro pagsasaya.



Ano kaya ang tingin ng mamamayan sa kapaligiran,
Hiwaga ng bagay ng maykapal sa sangkatauhan?
Biyaya na nag uugnay sa lahat ng bagay?
O di kaya, tambakan ng basura na tila walang saysay?


Ano kaya ang turing ng mga mamamayan sa mga dukha?
Kapwa tao na nangangailangan ng pagmamahal, tulong at pag- aalaga?
Bawas kita at salot sa lipunan,
O di kayay, basura at salot sa lipunan.


Hay naku! Buhay nga naman ng tao.
Kung ano ang tama ang siyang hindi ginagawa,
Buti pa ang mga halaman walang utak at pakiramdam,
Nagbibigay ng buhay sa lahat ng dapat mabuhay.


Hoy, tayo mga tao! Utak ay gamiting mabuti,
Wag yung puro nalang ikaw,
Tularan ang kalabaw huwag ang langaw,
Tingnan ating ang iyong kapwa, tayo ay maawa.....




No comments:

Post a Comment